Lima pa

sibol5

OPISYAL nang inihayag ng Commission on Elections ang mga kandidato sa pagka-Senador para sa halalan sa 2013.

Noong una ay 27 ang pinayagan ng COMELEC pagkatapos alisin ang mga tinatawag na “nuisance candidates” pero may nadagdag na lima.

Ang lima ay sina: 1. Samson Alcantara, isang abogado na ikatlo sa topnotchers sa 1957 Bar exams; 2. Ricardo Penson, President at CEO ng Ausphil Toll-ways Corporation, isang kompanya na proponent ng Katipunan-La Mesa-San Jose Del Monte-Norzagaray Tollway Project; 3. Greco Antonious Beda Belgica, isang negosyante at isang pastor na minsan na rin naging Konsehal; 4. Baldohero Falcone isang negosyante; at 5. Christian Señeres, dati nang mambabatas at isang NGO worker.

May pag-asa kaya ang mga kandidatong ito na maging Senador matapos nating matalakay sa kolum natin kung gaano kalaki ang perang kakailanganin para sa kampanya ng isang Senador at kung paano na rito sa atin sa Pilipinas ay ang sikat lang ang naiboboto sa pwesto? Inihayag ng COMELEC na hindi nuisance candidates ang limang ito dahil sila ay may magandang background at may kakayahan na maglunsad ng isang national political campaign.

Si Atty. Samson Alcantara, halimbawa, ay isang iginagalang na propesor sa iba’t ibang law schools sa bansa, isang manunulat ng mga aklat tungkol sa batas ng Pilipinas at pinagpipitagang labor lawyer.

Siya ay aktibong tagapayong ligal ng mga guro at mga Non-Governmental Organizations.

Ang kanyang mga karanasan ay makatutulong sa bayan kung siya ay maging Senador.

Nandyan din si Ricardo Pen-son, isang negosyante.

Hindi bago sa mundo ng pulitika si Penson pero ngayon lang siya tatakbo  sa pagka-Senador  bilang isang independent candidate.

Ang isinusulong naman ni Penson ay ang anti-political dynasty sentiment, isang isyu na sumisikat ngayon.

Pero balik tayo sa dati nating tanong, may pera ba sina Alcantara at Penson?

May pera ba sila na kasya para sa gastos ng isang pambansang kandidatura?

Sa susunod nating isyu ay bibigyan naman natin ng konting pansin ang tatlo pa sa limang ito at ang iba pang kandidato na hindi masyadong sikat pero may kakayahang magsilbi sa bayan, may magandang adhikain at may kakayahang gumawa ng batas bilang mga Senador.

Email me at ariel.inton@-gmail.com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply