Listahan ng benepisyaryo sa Hacienda Luisita, isang kawalanghiyaan

ISANG kawalanghiyaan ang listahang isinumite ng Department of Agrarian Reform O DAR sa Korte Suprema ng mga benepisyaryo ng lupa ng Hacienda Luisita.

Ito ang pahayag ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas o KMP matapos nilang rebisahin ang listahan ng DAR ng mga benepisyaryo mula sa dalawang barangay ng Hacienda Luisita.

Mahigit anim na libo na ang inilista ng DAR na benepisyaryo mula sa dalawang barangay na hiwalay sa mga benepisyaryo mula sa walo pang ibang barangay.

Ayon sa KMP, marami sa mga lehitimong magsasaka ang ihinanay lamang ng DAR sa probisyunal na listahan at hinihingan ang mga magsasaka ng sari-saring dokumentasyon upang patunayang sila nga ay mga magsasaka.

Sa kabilang banda, dagdag ng grupo, isinama na ng DAR sa master list ng mga benepisyaryo ang mga kasambahay at mga tagapag-alaga ng mamahaling kabayo ng angkang Cojuangco.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply