Live coverage sa Ampatuan massacre hearing bawal

rep-neri-colmenares

INALMAHAN ngayon ng ilang kongresista ang desisyon ng Korte Suprema na ipagbawal ang live coverage sa pagdinig ng kaso ng Ampatuan massacre.

Binigyang diin ngayon ni Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na malaking dagok sa pamilya ng mga biktima ng maraming pagpatay na matagal ng sumisigaw ng katarungan.

Ani Colmenares, ang kaso ng Ampatuan massacre ay maituturing na public interest kung saan ang paglilitis ay sinusubaybayan hindi lamang ng mga Pilipino kungdi ng international community.

Anang mambabatas, kailangang maisapubliko ang paglilitis dahil ang mga sangkot dito ay kilalang personalidad at ang maraming biktima ay miembro ng media.

Maging si Gabriela partylist Rep. Luz Ilagan ay nagsabing paglihis sa tuwid na daan ang pagbabawal sa live coverage dahil tataliwas ito sa pagpapairal ng transparency ng administrasyong Aquino.

Dahil dito, nangangamba si Ilagan na magkaroon ng cover-up sa kaso dahil hindi masusubaybayan ng media ang kaso.

Hinimok din nina Colmenares at Ilagan ang Korte Suprema na ikunsidera ang naunang desisyon.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply