Live coverage sa Maguindanao massacre trial, iginiit ng Palasyo

edwin-lacierda-2

IGINIIT ng Malakanyang na kailangan talaga ang live coverage para sa Maguindanao massacre case trial.

Ito ang pasaring ng Malakanyang sa Korte Suprema na nagdesisyon na itigil na ang live coverage ng nasabing kaso.

Ayon kay Presidential spokesman Edwin Lacierda, mabibigyang linaw ang kaisipan ng publiko sa akusasyon na binalewala na nito ang pagresolba sa Maguindanao massacre case.

“The reason why the president wanted the trial broadcast live is for the Filipino public to be made aware of what’s going on in the Maguindanao massacre trial… patuloy ang aming resolve na tapusin ang kaso,” anito.

Kamakalawa, ay ipinagdiwang ang ikatlong taong aibersayo ng massacre kung saan ay 58 katao ang namatay kabilang na rito ang 32media workers.

Nakiisa sa naturang event ang international media watchdog na hayagang nagpahayag na tila usad-pagong ang pamahalaan sa pagkilos na mabigyan ng katarungan ang mga nabiktima ng masaker.

Binigyang  diin ni Sec. Lacierda na patuloy na nakikipagpulong ang mga taga-usig ng pamahalaan sa mga testigo kung saan ay inaayos ng pamahalaan na mabigyan ng proteksyon at tulong ang mga testigo.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply