LLDA Green Building

AYON kay Kalihim Neric Acosta, Presidential Adviser for Environmental Protection at General Manager ng LLDA General Manager, ang bago nilang himpilan – ang unang green building ng gobyerno sa Pilipinas sa National Ecology Center (NEC), East Avenue, Diliman, Quezon City.

Mga disenyong berde ang gagamitin sa bagong himpilan ng LLDA. Ito ay may mala-tulay na koneksyon, parking sa ibaba upang maging epektibo sa kasalukuyang pangangailangan.

Mayroon itong rainwater catchment system na magsisilbing gamit sa flushing ng tubig sa mga ihian. Lahat nang ito ay may magandang resulta buhat sa green – strategies upang makatipid ng 20% sa enerhiya.

Isang ginawang wetland ang ipakikilala na magsisilbing small – scale representation ng ecological na proseso na makikita sa Laguna Lake para sa educational viewing.

Dagdag pa rito, ang ginawang wetland ay magagamit sa natural treatment ng stormwater at sa pagpapalamig ng hot air breezes.

Magkakaroon din ng material recovery facility (MRF) upang matugunan ng maayos  ang paraan ng nauukol sa waste management sa loob ng pasilidad.

Lubos ang kasiyahan ni Kalihim Neric Acosta na ilahad ang kauna unahang government green building ng LLDA.

“Bilang ahensya ng gobyerno na may gawaing manguna, mag – promote, pataasin at ipagpatuloy ang pagpapaunlad lalung – lalo na ang Laguna de Bay Region, ang LLDA ay isa na ngayong nangungunang halimbawa upang siyang maging sandigan ng green building revolution.

Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng ganitong proyekto na nagpapakita ng antas ng taas ng ganda, halaga ng green building, ito ay nagbibigay ng mataas na kaalaman,  inspirasyon ang malawak na pagpapatupad ng pagpapatuloy ng building practices at humihikayat sa mga pribadong sector upang buuin ang green”, wika pa ng Kalihim.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply