Lolo nagselos, misis, anak binaril, 1 pa nadamay

TAGUIG City – Dahil ng matinding paninibugho o selos, nagawang barilin ng isang senior citizen ang kanyang maybahay kasama ang anak at isa pang concerned citizen na umawat sa away ng pamilya nito noong Martes ng hapon sa Blk. 5 Lot 12 + 14 Pitogo Compound, Bambang ni Peles, Brgy. Calzada Tipas ng naturang lungsod.

Bago naganap ang malagim na krimen, sinabi ni Barangay Peace and Order Council Chief, Kagawad Manolito Estacio Sta. Barbara na alas 2:29 ng hapon ng dumulog sa kanilang himpilan ang magkapatid na Tracy at Karen Andag upang ireklamo ang pananakit ng amang si Antonio,  64, sa kanilang inang si Milagros tuwing magseselos ito.

Sa pakiusap ng magkapatid na Andag, tinungo ng mga elemento ng Barangay Security Force (BSF) ang pamamahay ng pamilya nito kung saan ay nasaksihan ng mga awtoridad ang ginawang pagkaladkad ni Antonio sa kanyang ginang papasok sa loob ng bahay.

Nasaksihan din ng mga elemento ng BSF na bumunot ng kalibre .45 baril ang matandang Andag ng tangkaing awatin sa ginagawang karahasan.

Nang makahulagpos si Milagros hinabol ito ng kanyang mister at buong ngitngit na pinaputukan ng baril sa dibdib.

Idinamay din nito ang anak na si Tracy at ang isa pang construction worker na nagngangalang Alberto Dela Cruz na umaawat sa nasabing gulo.

Dahil sa nasaksihan, agad na nakipag-ugnayan sa himpilan ng PCP-5 at SWAT ang mga BSF upang hulihin ang armadong suspect.

Binawian ng buhay ang ginang habang ginagamot sa Taguig-Pateros District Hospital habang ang anak nitong si Tracy at ang construction worker na si Alberto ay ginagamot sa Philippine General Hospital.

Nahaharap sa patong-patong na kasong krimen ang ikinulong na suspek.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply