Lolo pinagtataga ng binata sa CamSur, dedo

HINDI na nakauwi pa sa bahay ang isang lolo matapos pagtatagain ng binatang inalipusta nito sa Camarines Sur kaninang madaling araw (Nobyembre 3).

Dead on arrival sa ospital ang biktimang si Alex Villamor, 50-anyos, sanhi ng tinamong taga sa iba’t ibang parte ng katawan

Hinahanting na ngayon ng pulisya para pananagutin sa krimen ang suspek na si Danilo Espacio, 27-anyos ng Sitio Pulang Daga, Barangay Balogo, sa bayan ng Pasacao.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong ala-1:15 ng madaling araw sa isang bisinidad ng Barangay Balogo.

Bago ito, pauwi na sa kanilang babay ang biktima nang harangin ng suspek at saka pinagtataga.

Kahit hindi pa nahuhuli, kinasuhan na ng pulisya ang suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply