Long term energy plan prayoridad ng DoE

PAGTUTUUNAN ng pansin ng bagong upong kalihim ng Department of Energy (DOE) ang matagalang energy plan na hindi nakadepende sa sinumang pinuno ng ahensiya o sa nakaupong Pangulo ng bansa.

Sa unang pagkakataon na humarap sa media sa kanyang unang araw ng panunungkulan, sinabi ni Secretary Carlos Jericho Petilla na masyadong hinog na ang isyu hinggil sa matagalang pagpaplano sa karagdagang enerhiya na lulutas sa kakapusan nito sa maraming panig ng bansa kaya’t dito niya muna itutuon ang kanyang trabaho.

“This is what I can promise you, this is my target. To come up with an energy plan that is structured, long-term in nature that goes beyond the time of any secretary or any president,” pahayag ni Petilla sa ipinatawag na press briefing sa tanggapan ng Philippine National Oil Company (PNOC) building sa Fort Bonifacio, Taguig City.

Ayon kay Petilla, kung nakadepende sa personalidad tulad ng kalihim ng DOE at Pangulo ng bansa ang pagpapalakas sa enerhiya, walang mangyayari sa bansa at magbabalik lang sa zero tuwing may bagong uupong Pangulo.

Ang pinakamabisa aniyang pagpaplano sa enerhiya ay dapat na pang-matagalan na pakikinabangan at susundan ng mga darating pang administrasyon.

“Hindi dapat naka-depende kung sino ang nakaupo. Long-term lahat.  Pahayag ni Petilla na aniya ay pagsunod din sa tagubilin ng pangulong Benigno Aquino III na ituloy ang magagandang plano ni dating Secretary Jose Rene Almendras.

Idinugtong pa ng kalihim na pangunahin niyang tututukan bilang pinuno ng ahensiya ang paggalaw ng presyo ng langis at ang problema sa elektrisidad bagama’t hindi aniya niya kontrolado ang una dahil sa umiiral na batas sa ilalim ng Oil Deregulation Law.

Sinabi pa ng kalihim na hindi muna siya magsasagawa ng pagbalasa sa mga pinuno ng bawa’t departamento sa loob ng 30-araw at susuriin niya muna kung sino ang mga dapat manatili sa kanilang posisyon. Apat na tauhan lamang aniya ang kanyang isasama sa ahensiya bagama’t ang mga ito ay pansamantala lamang at aalamin muna niya kung dapat manatili pa ang mga ito sa ahensiya.

Napag-alaman na naghain na rin ng kanilang pagbibitiw sa tungkulin sina Undersecretary Jose Layug Jr. ang Undersecretary Patricia Asirit subalit hindi pa tinatanggap ni Petilla ang kanilang pagbibitiw.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply