‘Lookout order’ sa mga sangkot sa Aman Futures scam, nadagdagan

DOJ

NADAGDAGAN pa ang pangalan ng mga sangkot sa Aman Future pyramiding scam sa mga inilagay sa “Lookout bulletin” ng pamahalaan.

Sa tatlong pahinang supplemental omnibus lookout bulletin order na nilagdaan ni Justice Secretary Leila De Lima, kasama sa mga nadagdag sa 38 nauna nang isinailailm sa look out order ng Bureau of Immigration (BI) ay sina; Atty. Isagani Subol Laluna, at Wilanie Labrador Fuentes.

Kaugnay nito, mahigpit na babantayan ng BI ang posibleng paglabas sa bansa ng dalawang indibidwal sakaling ang mga ito ay dumaan sa mga immigration counter sa alinmang mga international airport at seaport sa bansa.

Inaatasan na rin ni De Lima ang lahat ng mga immigration officer na sakaling mamataan ang dalawang indibidwal sa mga paliparan at pantalan ay agad na i-report sa kagawaran lalo na ang petsa at oras ng kanilang departure, flight number ng eroplanong sinakyan at ang bansa na kanilang pupuntahan.

Nagtakda na ng petsa para sa pagsimula ng imbestigasyon ang  binuong panel of prosecutors ng Department of Justice (DoJ) kaugnay sa multi billion na pyramiding scam na nambiktima ng libu-libong katao mula sa Visayas at Mindanao.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Edna Valenzuela, pinuno ng panel sa darating nga Nobyembre 27 dakong alas-2:00 ng hapon isasagawa  ang preliminary investigation.

Kaugnay nito, ngayong araw ay magpadala ng subpoena ang panel sa mga taong nasa likod ng nasabing pyramiding scam sa pangunguna ng founder ng Aman Futures Group Philippines Inc. na si Manuel Amalilio kasama ang nasa 43 iba pa.

Ito’y sa kabila ng naging kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation na nakalabas na ng bansa si Amalilio na nasa Kota Kinabalu sa Malaysia.

Ngunit sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima na nakipag-ugnayan na sila sa kanilang counterparts sa Malaysia upang makabalik sa bansa si Amalilio.

Napag-alaman na maliban sa 14 na bumubuo panel ay may isa pang lupon ng mga prosecutors na mag-imbestiga at magsisilbing fact finding panel na  bahagi ng national task force ng gobyerno.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply