Lotto outlet hinoldap ng apat

HINOLDAP ng apat na hindi pa nakikilalang kalalakihan ang isang lotto outlet sa Purok 4, Barangay Poblacion, Prosperidad, Agusan del Sur, ayon sa ulat ng pulisya Martes ng umaga.

Batay sa ulat sa Camp Crame, naganap ang holdapan dakong alas-8:00 ng umaga kahapon (Lunes, Nobyembre 5) sa nasabing lugar.

Sa imbestigasyon, kabubukas lamang ng cashier sa naturang establisimyento nang holdapin ng mga naka-bonnet na lalaki na armado ng handgun.

Agad na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo tangay ang P10, 000 cash at ilang pang mahahalagang gamit na kinulimbat sa naturang lotto outlet na pag-aari ng isang Amparo Anuta, residente sa nasabing lugar.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng mga suspek habang patuloy din ang imbestigasyon sa pangyayari.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply