Louise delos Reyes rumesbak sa mga nang-iintriga na bading si Enzo Pineda

louise-delos-reyes-3

HINDI kaya instead na mabura na ang gender issue kay Enzo Pineda mas lalo pang pag-usapan ito dahil sa pagtatanggol ng girlfriend ni Enzo na si Louise delos Reyes sa kanya na hindi bading ang nasabing boyfriend young actor.

Actually, matagal ng naba-blind item ang pagiging malamya ni Enzo. Pero pagtatanggol naman ng kampo ng aktor, talagang kilos mayaman lang ito kaya napagkakamalan minsang bading. At ang nakalolowkang issue na ibinabato ngayon kay Enzo, may nakakita diumano rito na inaamoy-amoy ang hinubad na “brief” ng kapuwa kapuso actor.

To the rescue naman si Louise at kaagad na pinabulaanan na hindi totoo ‘yung mga nasulat sa blind item at prangkang sinabi pang ‘yung kapuso actor na nali-link kay Enzo ang talagang bading.

Sino kaya kina Rocco Nacino, Mike Tan, at Prince Stefan ang pinatatamaan rito ni Louise? Hay naku! Para matigil na ang lahat, sige na nga, hindi na “bayot” ang papang ito ni Louise. Agree na lang me gyud!

***

“X Factor” album sa Star Records todo-ariba na!

MULA sa pagiging consistent no. 1 record sa iTunes Philippines, sa mga records store naman sa buong bansa umaarangkada ang “The X Factor Philippines” All-Star album na naglalaman ng 13 kantang muling napasikat sa matagumpay na reality-talent search ng ABS-CBN.

Sa ilalim ng produksyon ng Star Records, tampok ang most-requested versions ng ‘Killing Me Softly’ na inawit ng first grand winner ng show na si KZ Tandingan; ‘It Will Rain’ ng 2nd placer na si Gabriel Maturan; at ‘All At Once’ ng third placer na Daddy’s Home. Bahagi rin ng tracklist ang ‘Got To Be Real’ na kinanta ng A.K.A. Jam; ‘Love The Way You Lie’ ni Allen Sta. Maria; ‘Kung Wala Ka Na’ ni Jerriane Templo; ‘Can’t Help Falling In Love’ ni Jeric Medina; ‘Ang Pag-ibig Kong Ito’ ni Joan Da; ‘Mahal Kita Kasi’ ni Kedebon Colim; ‘Nanghihinayang’ ni Mark Mabasa; ‘Balatkayo’ ni Modesto Taran; ‘Stay’ ng Take Off; at ang bonus track na ‘Star Ng Pasko’ na inawit ng Final 12.

Ang The X Factor Philippines All-Star album ay mabibili na sa record bars nationwide sa halagang P250 lamang. Maaari pa ring ma-download ang album sa www.mymusicstore.com.ph at sa iTunes.Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa The X Factor Philippines All-Star album, bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.face-book.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply