Lovi Poe hindi magamit ang kanyang mga kikay kit sa ‘Yesterday’s Wife’

lovi-poe

HINDI sosyal ang role ni Lovi Poe sa Yesterday’s Wife, ang bagong soap nila ni Rocco Nacino kaya hindi raw niya gaanong nagagamit ang mga kikay kits niya na binili pa sa abroad. Simpleng factory girl na may prinsipyo sa buhay ang role ni Lovi sa nasabing soap.

Dahil sa kahirapan ni Lovi sa role niya bilang asawa ni Rocco, ‘di kailangan ang magarbong pananamit at make up. Mas madrama ang mga eksena niya dahil api-apihan siya ng pamilya ni Rocco na ‘di sang-ayon sa pag-iibigan nila.

Kaagaw ni Rocco sa pag-ibig kay Lovi sa soap si Luis Allandy.

Tugma ang love team nina Lovi at Rocco sa Yesteday’s Wife dahil sa pareho silang magaling umarte. Match rin ang beauty nila dahil pareho silang kayumanggi, lalo si Lovi na exotic ang beauty. Pansinin ang kulay niya kahit sa abroad lalo na nang dumalo siya Cannes Film Festival para sa movie na “Thy Womb”. Pinagkaguluhan talaga siya ng foreign press photographers roon.

Kasama niya sina Nora Aunor at Direk Brillante Mendoza sa Cannes.

000

INGAT na ngayon si Rhian Ramos na makipag-tambal sa leading actor na may kasalukuyanng commitment o karelasyon. May nangyari kasing ‘di maganda noon nang pumartner siya sa actor na may commitment na!

Nasabi ito ni Rhian sa amin nang pumunta kami sa Party Pilipinas recently na nagpaalam muna siya kay Cong. Lani Mercado na makaka-partner niya si Sen. Bong Revilla sa “Indio”. Hindi na kasi maiiwasan ngayon sa mga eksenang love scenes ang mga kissing scenes sa soap opera. ‘Di na uso ang mga pekeng halik. Dapat totoo para ipakitang in love ang bawat isang character.

Samantala, si Sen. Bong ay napanonood pa rin sa Kap’s Amazing Stories tuwing Sunday. Ngayong Sunday ay feature ang mga ilog na unpredictable na ngayo’y nagdudulot ng malalaking baha sa iba’t ibang panig ng mundo. Nakatutulong rin ang mga ilog sa iba’t ibang paraan sa economy ng bansang nasasakupan.

000

SANAY na talagang mag-host si Richard Gutierrez dahil madali niyang nakuha ang style ni Pambansang Kamao Manny Pacquio sa pamimigay ng malalaking premyo sa Manny Many Prizes last Sunday.

Nakisaya ang mga Protégé Season 2 stars na sina Mickoy Morales, Ruru Madrid, Andres Vasquez, Byan Benedict at Japs de Luna pati na rin sina Elle Ramirez at Zandra Summer. Bumisita rin sina Sheena Halili, Louise delos Reyes at Joshua Dionisio sa programa na napanonood tuwing Sunday pagkatapos ng Party Pilipinas.

Pansamantalang wala sa programa si Manny dahil nasa America at naghahanda sa laban niya kay Juan Manuel Marquez sa Dec. 9.

Mabagsik si Marquez kaya kailangang paghandaan nang husto ng pound for pound king ang kanyang laban.

May napanonood na film clips sa mga ginagawa ni Manny sa America ngayon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply