Lovi Poe naiyak sa sobrang sex scenes!

lovi-poe

NASOBRAHAN daw sa sex scenes si Lovi Poe sa mga eksena sa isang movie with Regal Films. Katambal niya si Paulo Avelino at dahil dito, Lovi swears na hindi na muna siya gagawa ng mga ganoong klaseng eksena.

“Hindi ko siya kinaya. No, honestly I cried after… Then this one is just… sabi ko nga after this I wanna rest muna from it, from doing sexy stuff siguro. Medyo na ano ako, nabigla.”

Kasabay ng pahayag na ayaw na muna niyang makipa-sex scene dahil gusto muna niyang ipahinga ang sarili at baka matatakang bold star, sinabi rin ni Lovi na mas prefer niya ngayon na magkaroon ng iba’t ibang leading men. Ayaw raw niyang umulit sa mga nakatambal na niya.

“I enjoy working with different love teams. Ayoko nung pala-palaging si ganito o si ganun na lang ang ka-tandem ko sa pelikula o sa telebisyon man. I would like to be paired with anybody. Ang dami ko kasing natutunan sa iba’t ibang kapareha,” she reasoned out.

“In The Bride,” Paulo is her ardent lover with whom she has extremely sensitive love scenes.

“Mas daring ang role ko (sa The Bride) at marami kaming maiinit na love scenes rito ni Paulo. When I say maiinit, boiling water talaga ang mga ‘yun kesa ru’n sa My Neighbor’s Wife namin ni Dennis Trillo,” revealed Lovi.

Pero ayon pa rin kay Lovi, she was just forced to do the traumatic love scenes at rito, ang director na si Joel Lamangan ang kontrabida sa kanya.

Pinagbabawalan ba siya ng kanyang BF na si Ronald Singson?

“Papaano namang mangyari ‘yun? Eh, ‘di ba wala na nga kami matagal na.”

When told na lagi silang nakikitang magka-date, iba naman ang reply ni Lovi.

“Yes, I was with Ronald sa opening ng kanyang bagong bar sa Makati as a support because we are still friends naman. But that’s all with it, nothing more!”

She argued that it’s her own decision not to have a love team. Even her leading men in Yesterday’s Bride, Rocco Nacino nor Luis Alandy, she would refuse another project with them as lead actors, she pointed out. Not because they are not good in acting, added Lovi, she just wanted to avoid being ‘attached’ to a regular tandem.

“One project is enough para hindi nga ako ma-identify sa kahit kaninong leading man. In The Bride and The Lover, this will be the first and the last time for Paulo (Avelino) na matikman ang mga yakap at mga labi ko!”

***

Jodi Sta. Maria ipinakilala na ni Jolo Revilla sa pamilya

WALANG nagawa si Cong. Lani Mercado kundi harapin ang press para magbigay ng statement tungkol sa anak niyang si Jolo Revilla at Jodi Sta. Maria. Iwas kasi nang iwas si Lani pero nakorner rin naman siya.

“Masaya ako para kay Jolo. Nakikita mo na ’yung direction niya sa buhay, alam na niya. Alam na niya kung ano ang gusto niyang gawin.

“Nakikita mo ’yung malasakit ng bata. Hindi mo na siya dinidiktahan kung ano ang gusto niyang gawin. Kusa na. Alam na niya. And he does it because he wants… May kusa siya,” pahayag ni Lani.

Eh, sa personal niyang buhay, dinidiktahan ba niya si Jolo?

“Hindi ko naman siya dinidiktahan lalo na sa personal na buhay. Lalo na sa lovelife,” tugon niya.

Eh, si Bong, dinidiktahan ba niya?

“Asawa ko siya! Karapatan kong diktahan siya! Hahaha!” deklara ni Cong. Lani.

Hindi pa ba nagsasabi si Jolo na ready na siyang lumagay sa tahimik?

“Wala pa naman. Sinasabi lang niya na magpupursige siya sa career niya. Na mas malawakan. Alam niya na meron pa siyang dapat gawin bago siya lumagay sa tahimik. Alam niya ’yung preparasyon na ’yon,” katwiran ni Lani.

Hindi pa ba nagpaparamdam ang anak na si Jodi na ang babae sa buhay niya ngayon?

“Ayokong mag-comment riyan! Hahaha! May sinabi siya na may nagpapatibok na dilag ng puso niya. Hanggang doon na lang muna tayo,” iwas niya.

Nakikita ba niyang seryoso ang dalawa sa kanilang relasyon?

“They inspire each other!” sambit ni Lani.

Ipinakilala na sa kanya si Jodi?

“Hahaha! May mga bagay na hindi ko dapat ikuwento. Hahaha! Ipinakilala na. Nagkikita-kita na kami. Nakipiyesta pa sa amin. Hahaha!” saad niya.

Ano ang masasabi niya kay Jodi?

“Mabait na bata. Mahusay na artista,” matipid na sagot ni Lani.

***

Sa US nagpuputa ang aktresang ang ek ek ay isa siyang Pinay

NAKAPAGTATAKA talaga na laging sinasabi ng isang foreigner na mestisang bangus na love niyang rito sa Pinas manirahan. Na kesyo ganyan at kesyo ganun, na nababaitan siya sa mga kababayan natin kaya gusto na niya rito.

Kung tutuusin, higit na mayaman ang kanyang bansa at kung pag-aartista ang pag-uusapan, mas may lulugaran siya roon, pero bakit nga siya rito nagkandaugaga?

Oh, well, ayaw naman naming maniwalang talagang pag-aartista lang ang hangad niya rito. For one, ubod siya ng landi na kahit sinong lalaki ay pinapatulan na niya.

Sa rami ng mga Pinoy na nagdaan sa kanyang kandungan, aba, bilasang isda na siya kung ituring.

Anyway, karumal-dumal ngang kaya siya narito sa Pilipinas, along with others na kalahi niya, na mapalalaki o mapababae, dahil rito sa Pinas namumunini sila sa kaputahan. Binayaran sila ng malaki and this is the reason why they are choosing to stay here.

Isa pa, yung mga mayaman rito, mahilig magtapon ng pera sa mga kamanyakan at alam yan ng mga dumarayong mestisa at mestiso rito sa atin.

Anyway, yung mestisang bangus na naging kulakadidang ng maraming Pinoy, nawawala sa Pinas. Yun pala nasa America na naman siya kunwari, gusto niya kunong maging Hollywood star. Pero sa true lang, nagpuputatsing siya roon.

Rito nga sa Pinas, hindi siya sumisikat-sikat, sa Hollywood pa?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply