LPA sa Visayas, nalusaw na

NALUSAW na ang binabantayang low pressure area (LPA) ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na nakapaloob sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ).

Ayon PAGASA, makararanas pa rin ng malalakas na mga pag-ulan ang ilang bahagi ng Silangang Visayas gayundin ang Bicol Region na maaaring makapagdulot ng mga biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.

Ang Metro Manila, kasama na ang Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas ay makararanas ng manakanakang pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa dakong hapon o gabi.

Habang ang nalalabing bahagi ng Cagayan Valley, Aurora at Quezon Province ay makararanas naman ng mga pulu-pulong mga pag-ulan.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay inaasahang aabot mula 23 hanggang 30 antas ng sentigrado.

Samantala, may isang LPA ang namataan at posibleng maging bagyo ngunit nakalabas na ito sa Philippine area of responsibility (PAR) at tinahak na ang direksyon pa-China.

Sa ngayon ay wala umanong banta ng LPA sa PAR at tanging ang intertropical convergence zone (ITCZ) lang ang nakakaapekto sa bansa.

Inaasahan namang dalawang bagyo pa ang papasok ngayong Nobyembre at may isa hanggang dalawang bagyo naman ang papasok sa Disyembre.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply