LPA sa Visayas, patuloy na binabantayan ng PAGASA

PATULOY na binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Visayas.

Huli itong namataan sa layong 180 kilometro silangan ng Surigao City at nakapaloob ito sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Dahil dito, makararanas ng maulap at katamtaman hanggang sa malalakas na mga pag-ulan ang Bicol, MIMAROPA regions maging ang kabuuan ng Visayas at Mindanao.

Pinapayuhan ng PAGASA ang mga mamamayan sa mga nabanggit na lugar na mag-ingat sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa lalo na sa hapon o gabi.

Tumama na sa kalupaan ang bagong LPA, na magpapaulan sa katimugang Luzon, Visayas at Mindanao pero maliit ang tsansa na maging bagyo

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay inaasahang aabot mula 23 hanggang 33 antas ng sentigrado.

Patuloy naman ang monitoring ng PAGASA sa lagay ng panahon habang nananatiling naka-blue alert ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga rehiyon sa Viayas at Mindanao

Kaugnay sa pagtawid sa kalupaan ng LPA kagabi.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply