LRT, MRT maghihigpit ng seguridad sa Kapaskuhan

NANAWAGAN ang pamunuan ng Light Rail Transit  (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) sa mga pasaherong magsasakay ng kanilang mga panregalo sa mga pangunahing tren sa Metro Manila ngayong kapaskuhan.

Ayon kay LRT, MRT spokesman Atty. Hernando Cabrera, mas makabubuting huwag munang ibalot ng maganda ang mga bibilhing panregalo kung isasakay sa tren upang mainspeksyon at makaiwas sa abala.

Kaugnay nito, pinapayuhan ng LRT, MRT ang mga security guards, na maging kalmado sa lahat ng oras dahil sa ilang makasasagupang pasaway na pasahero.

Ayon ikay Cabrera ang hakbang ay upang maiwasan na ang eskandalong naganap na kinasangkutan ng isang lady guard ng LRT Line 2 at ng estudyanteng si Paula Jaime Salvosa na kumalat pa ang video sa internet.

Ani Cabrera, bagama’t hindi pa tuluyang natatapos ang imbestigasyon, sinisikap naman nilang ayusin ang serbisyo ng kanilang mga guwardya sa kasiyahan at kapakinabangan ng kanilang mga pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply