LRT, MRT may libreng sakay sa PWDs sa Dec 3

PWDs

MAGBIBIGAY ng libreng sakay para sa mga may kapansanan o persons with disabilities (PWDs) ang LRT at MRT sa Lunes, Disyembre 3.

Sinabi ni LRTA spokesman Hernando Cabrera, ang libreng sakay ay sa pagitan ng alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at mula alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Ang pagbibigay ng libreng sakay ay bilang pakikiisa ng Pilipinas sa International Day of people with disability (PWD).

Bukod sa senior citizens ang PWD ay binigyan ng mga identification card. Makikinabang na ang may kapansanan sa mga diskuwento sa pamimili at sa mga serbisyong medikal.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply