LT ‘di nag-aalala kay Marian sa kissing scenes nila ni Dingdong

lorna-tolentino

ALAM ni Lorna Tolentino na ginawa niya ang eksenang maromansa kay Dingdong Dantes na may kasamang kissing scenes dahil talagang hinihingi ng eksena. Bukod pa rito, nasabi ni LT na talagang trabaho lang ang naganap sa kanila ni Dingdong. Professional actress kasi siya kaya ginawa niya lang ang nararapat.

Sa totoo lang, nasabi ni LT na wala siyang naramdaman sa kanilang eksena kaya walang ipag-aalala si Marian. Magkarelasyon sina Dingdong at LT sa istorya at isa itong May-December affair. May asawa si LT sa Pahiram ng Sandali na role naman ni Christopher de Leon.  Si Dingdong naman ay may girlfriend sa katauhan ni Max Collins.

Naikuwento ni LT na si Marian pa nga ang natutuwa na siya (LT) ang nakuhang lalabas na Janice sa soap.

Bukod pa rito, si Dingdong ay nakasama pa ng husband niyang si Rudy Fernandez noon sa soap opera na Encantadia. Ayon kay LT, naikukuwento na ni Rudy sa kanya ang kagalingan ni Dingdong bilang actor.

Ani LT: “Dumalaw pa sa bahay si Dingdong nang nakaratay na si Rudy. Talagang naging close sila nang nagkasama sa isang soap opera.”

Tungkol sa kanyang role sa soap, ngayon lang daw niya muling ginawa ang ganitong character na isang babaing may asawa ay makikipag-affair sa isang younger man. “Gusto ko namang maiba ang mga roles na ginagampanan ko noon. Matagal na akong ‘di gumagawa ng ganitong sensitibong character dahil pinangangalagaan ko ang dalawa kong anak na lalaki. Bata pa sila noon at ayokong may masabi sila sa akin. Pero ngayong mature na sila at may kanya-kanya na ring karelasyon, mauunawaan na nila ang mga ginagampanan ko.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply