Lualhati nagparamdam sa Open bowling championships

KUMANA ang bagitong si Jhoana Lualhati ng TBAM-Prima ng 1142 upang manguna sa 41st PBC-POC-PSC Open bowling championships sa ladies’ Associate Masters eliminations sa SM lanes sa Mall of Asia sa Pasay City.

Si Lualhati na tumapos lang na panglimang puwesto sa katatapos na Youth Masters finals ay bumira ng 585 at 557 sa singles para iwanan ang kakamping si Bea Hernandez at si Pure Anselmo ng TBAM na nagtala ng 1126 at 1125, ayon sa pagkakasunod.

Ang iba pang bowlers na pumasok sa Top 10 ay sina Carmen Talosig (1092) ng TBAM, Nida Lagrisola (1090) ng BALP, Jingle dela Rosa (1085) ng TBAM-Prima, Jane Diaz (1079) ng PTBA, Alice Cabazor (1050) ng MBA-CRAM, Farah Onasa (1050) ng MC­TBA at Joji Cabacungan (1048) ng PTBA.

Nasa unahan naman si Bong Coo ng MBA sa ‘reserve list’ sa kanyang 1046 ka­sunod si Lina Labaguis (1041).

Bumato si Paulo Valdez ng TBAM ng 1332 para pumangatlo sa Open.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply