Lubog sa utang, mister nagpatiwakal

PROBLEMADO sa pera at sa dami ng pagkakautang ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang personal driver ng isang abogado sa Sta. Ana, Maynila kaninang umaga.

Idineklarang dead on arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktima na si Ariel Francisco, 34, may-asawa, personal driver na isang Atty. Lauretha at residente ng 2162 Road 3 Pabie Estate, ng nasabing lugar.

Sa report ni PO3 Joselito Lopez, imbestigador ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas 6:40 kaninang umaga nang madiskubre ang insidente ni Jerry Perez, may-ari ng bahay na inuupahan ng biktima.

Ayon kay Marilyn, asawa ng biktima, napansin nito na aburido ang kanyang asawa at nabanggit nito na marami itong pagkakautang.

Hindi naman inakala ni Marilyn na susuko sa buhay ang mister hanggang sa makita na lamang itong nakalambitin gamit ang isang nylon wire na ipinulupot sa kanyang leeg .

Huli umanong nakitang buhay ang biktima ganap na alas 4:00 ng madaling araw nang magkausap sila ng kanyang maybahay.

Isinugod pa sa nasabing ospital ang bitkima ngunit hindi na umabot pa ng buhay.

Tumanggi namang magpaimbestiga ang kanyang misis.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply