Lugar para mapaglagyan ng potable water hanap ng NIA

potable-water

Ang National Irrigation Administration (NIA) ay isang sangay ng Department of Agriculture (DA).

Simula nang naging administrator ng NIA si Antonio S. Nangel nagbago ang pamumuhay ng mga magsasaka.. Nagkaroon sila ng maganda at paglaki ng ani dahil sa programang patubig ng NIA.

May 1.5 milyong ektaryang lupang sakahan sa buong bansa ang nalagyan na ng irigasyon o patubig kaya naman matagumpay ang rice sufficiency program dahil sapat ang patubig sa sakahan ng mga  magsasaka.

Sa parte ni NIA Administrator Nangel, una niyang pinasalamatan si kalihim Proceso J. Alcala ng Department of  Agriculture (DA) sa pagsuporta sa katulad nitong mga gawain.

Sinabi pa niya na di nagtatapos sa hydropower plants at hindi sa irrigation canals lamang nagtatapos ang lahat bagkus ay sa paglalagay pa ng potable water.

Winika pa niya na mayroon nang 150 lugar ang kanila nang naipasa sa buong kapuluan para sa hydropower plants at ang paghahanap naman para sa lugar na mapaglalagyan ng potable water ay patuloy na inaasikaso.

Ang DOE kalihim Petilla ay nagsaad na ang pagpirma tungkol sa MOU/MOA ay natatangi sa paghahanap ng ating bansa sa pagkukunan ng elektrisidad at ang proyektong ito kapag nakumpleto ay magbibigay ng serbisyo sa elektrisidad sa mga mamamayan sa mababang halaga.

PNDC Renewable Corporation OIC president and CEO Buendia ay nagsabi rin na ang mga gawaing ganito ay mahalaga sapagkat makatutulong sa rural electrification program ng pamahalaan sa pakikiisa sa NIA.

Sa di-kinukusa ang NIA ay isang katugon na ahensya ng Department of Agriculture samantalang ang PNOC Renewable Corporation naman ay isang subsidiary ng PNOC sa ilalim ng Department of Energy.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply