Lugar protest inilunsad ng mga maralita

ISANG araw bago ang pagdiriwang sa ika-149 kaarawan ng Dakilang Bayaning si Andres Bonifacio, naglunsad ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) mula sa North Triangle sa Quezon City ng isang feeding program bilang pagkondena sa lumalalang kagutuman sa bansa.

Ayon sa pinakahuling tala ng Social Weather Station, 4.3 pamilyang Pilipino ang dumaranas ng kagutuman sa bansa. Mas malaki pa umano ang datos sa tunay na buhay sapagkat nanatiling napakataas pa rin ng unemployement rate sa Pilipina sa kabila ng napabalitang pag-angat ng ating ekonomya.

Ayon naman sa IBON Foundation, naganap ang pambihirang pag-angat ng ekonomiya ng bansa sa tantos na 7.1% ng GDP habang hindi nagbago ang napakataas na unemployment rate na nasa 7.0% sa ikatlong kwarto ng taon, na isa sa mga pinakamataas na uneployement rate sa Asya.

Para sa ikatlong kwarto ng taon, lumobo naman ang ilang ng mga underemployed sa bansa o ang mga kapos sa trabaho at kulang ang kinikita, mula 1.5 milyon noong nakaraang taon patungong 8.5 milyong Pilipino.

Ang kapos na trabaho at napakaliit na sahod ang dahilan umano ang nasa likod kung bakit nagtitipd ang marami nating kababayan maging sa pagbili ng pagkain para sa kanilang pamilya upang makasabay sa nagtataasang halaga ng serbisyo at bilihin.

Kinundena rin ng grupo ang nakaambang pribatisasyon ng mga pampublikong ospital, at iba pang serbisyo sa bansa. Saan umano kukunin ng mga maralita ang panggastos para sa mga nagmamahalang serbisyo, tanong ng Kadamay.

Kapabayaan ng gubyernong Aquino

Matapos ang feeding program ay lumusob ang mga maralita sa sentrong tanggapan ng National Food Authority upang ipanawagan ang paglalabas sa merkado sa murang halaga ang mga  bigas na ligtas pang kainin na nakaimbak sa mga bodega ng nasabing ahensiya. Hindi nakapalag ang nagbabantay na gwardya sa mga maralitang naglunsad ng protesta sa loob mismo ng compound ng NFA.

Kinondena ng mga maralita ang naging kapabayaan ng administrasyong Aquino na nagdulot umano sa expiration ng aabot sa 50,000 sako ng imported rice, sa kabila nang nagugutom ang milyung-milyong Pilipino.

Ayon sa Kadamay, hindi magawang ibaba ng gubyerno ang presyo ng mga Iron-Fortified Rice sa lokal na pamilihan sapagkat ikakalugi ito ng mga kartel ng bigas at kapitalista sa likod ng mga commercial rice.

Nanawagan ang grupo sa mga maralita na lumahok sa pagkilos bukas patungong US Embassy at Mendiola para gunitain ang kaarawan ni Bonifacio. Napapanahon umano ngayon na maglunsad ang mga maralita ng isang rebolusyong kaparis ng inilunsad ng mga Katipunero sa pamumuno ni Bonifacio laban sa lumalalang kahirapan, kagutuman at pambubusabos na dinaranas ng maraming Pilipino.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply