Lumacad hanggang 12 rounds

fernando-lumacad

BAGAMA’T bumagsak sa rounds 3 at 4 ay natapos pa rin ni Filipino boxer Fernando “Trigger” Lumacad ang 12 rounds sa kanyang laban kay world-rated Mexican Carlos “Principe” Cuadras sa Foro Polanco sa Ciudad de Mexico.

Matinding bakbakan ang naganap sa pagitan ng dalawa kung saan nakataya dito ang WBC silver title.

Ang GenSan fighter ay natalo sa pamamagitan ng puntos subalit bumilib umano rito ang Mexican fans.

Tumanggap ng parusa si Lumacad sa dalawang rounds at nakaganti naman sa mga sunod na rounds kung saan nayanig din ang kalaban.

Matatandaan na nakipagbasagan ng mukha si Lumacad kay former champion Hernan “Tyson” Marquez at natalo sa pamamagitan ng majority decision nitong Hulyo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply