Lumang bahay ni Quezon sa Gilmore, ililipat at ipipreserba

mlq-house

PLANO ng Quezon City government na ilipat ang 500-square meter na lumang bahay ni Pangulong Manuel Luis Quezon sa Gilmore Avenue sa isang puwesto sa loob ng Quezon Memorial Circle para sa pagpapatuloy na pagpupursige ni Mayor Herbert Bautista na mapreserba ang historical heritage ng lunsod.

Habang ang naturang bahay ay hindi pa idinedeklara na isang heritage site ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), desidido ang city government na ipreserba ang naturang bahay na ginamit ni dating Pangulong Quezon sa loob ng dalawang buwan habang nagpapagalin sa sakit na tuberculosis sa pagitan ng 1935 o 1936.

Ang lumang bahay ni Quezon ay nakuha ng city government sa pamamagitan ng pagdonasyon matapos na mapagdesisyunan ng pamilya ng dating pangulo na ibenta ang 3,678-square meter Quezon-Avanceña property sa Gilmore Avenue, kabilang ang istrastrakturang nakatirik doon noong Agosto 2011.

“Since wala naman paggagamitan doon sa lumang bahay, the new owner has decided to donate the house to the city government,” said QC planning and development office chief Tomasito Cruz.

Base sa ulat mula sa city assessor’s office, ang may-ari ng  Quezon-Avancena property ayinilipat na sa Zenara Holdings Corporation.

Bago naganap ang pagbenta sa ari-arian, inatasan ni Mayor Bautista ang city planning and development office kung paano mapapunta sa QC government ang Quezon property sa Gilmore Avenue at para mairehistro bilang isang QC heritage site.

“If plans do not miscarry, the city could start the reconstruction of the house early next year,” Cruz said.  “Except for the swimming pool, all structural parts of the ancestral house of the Quezon family shall be reconstructed and rebuilt by the city government,” dagdag pa ni Cruz.

Naiksa na ng city government ang bidding sakung kaninong contractor mapupunta ang kontrata ng QC government na gagawa sa pagkumpuni ng lumang bahay.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply