‘Lupang Hinirang’ nais patugtugin ng 3 beses sa 1 araw

TATLONG beses nang patutugtugin sa isang araw ang pambansang awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang”. Ito ay kapag naisabatas ang House Bill 6689 o Strengthening National Pride Act ni Bacolod City Rep. Anthony Golez.

Nakasaad sa panukala na patutugtugin ang “Lupang Hinirang” sa mga opisina ng gobyerno, malls, iba pang commercial centers at pampublikong lugar nang tatlong ulit sa loob ng isang araw.

Ayon kay Golez, layunin nito na maisapuso at mapalakas ang pagiging makabayan o nationalistic ng mga Filipino.

Giit pa ng kongresista na ang national anthem ay simbolo ng pagmamahal ng mga Pinoy sa lupang sinilangan.

Ipinaliwanag pa ni Golez na ang pagpapatugtog ng Lupang Hinirang nang tatlong beses sa isang araw ay katumbas na rin ng pagsasabing “mahal ko ang Pilipinas!”

Sa sandaling maisabatas ang panukalang ito, ang lahat ay dapat tumindig, makinig at irespeto ang Lupang Hinirang sa oras na marinig ito saan mang mall o pampublikong lugar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply