Maaliwalas na panahon maaasahan sa Metro Manila

MAAASAHAN ngayon ang maaaliwalas na lagay ng panahon sa Metro Manila ngayong araw.

Ngunit nagpaalala pa rin ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na may mga manakanakang pag-ulan na inaasahang maranasan sa dulong Hilagang Luzon dulot ng epekto ng cold front.

Katamtaman hanggang sa malakas na ihip ng hangin mula sa hilagang silangan ang mararamdaman sa malaking bahagi ng bansa.

Dahil dito, lalo pang lumakas ang gale force na naitala sa northeastern seaboard o malalaking alon na umaabot ng hanggang tatlong metro, lalo na kung high tide.

Ang agwat ng temperatura sa Metro Manila ay inaasahang maglalaro mula 21 hanggang sa 31 antas ng sentigrado.

Ang Ilocos at Mountain Province ay maulan ngayong araw; ang Metro Manila naman ay maalinsangan hanggang alas-3:00 ng hapon ngunit bahagyang aambon; ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao ay makulimlim din dahil sa intertropical convergence zone (ITCZ).

Inaasahang tatagal ang ganitong panahon hanggang sa weekend.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply