Mabagal na usad ng Maguindanao massacre dinepensahan ng SC

NAGRALI sa paanan ng Chino Roces Bridge sa Mendiola ang grupo ng mga kabataang ito upang manawagan sa pamahalaan na aksiyunan ang mga kasong hindi nareresolba katulad ng enforced disappearances, paglabag sa mga karapatang pantao at ang Ampatuan Massacre case na nasa ika-3 taon na ngayong Nobyembre 23 ngunit wala pa rin nakakasuhan hanggang sa ngayon.

SA BISPERAS ng anibersaryo ng Maguindanao massacre, ipinagtanggol ng Korte Suprema ang hukom na naglilitis sa nasabing kaso bunsod na rin ng mga batikos kaugnay sa mabagal na usad ng pagdinig.

Sinabi ni Atty. Gleo Guerra, tagapagsalita ng Korte Suprema, ginagawa ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ang lahat ng kanyang makakaya para malutas ang karumal-dumal na krimen.

Sa ipinatawag na press conference, inihayag ni Guerra, na nakasalalay sa pakikipagtulungan ng lahat ng partido na may kinalaman sa usapin ang mabilis na ikalulutas ng kaso.

Sa pinakahuling report, umakyat na sa 58 ang bilang ng mga nasawi habang 196 ang akusado, kung saan 57 ang nag-apply ng bail.

Sa 98 naarestong akusado, 81 rito ang naisailalim na sa arraignment.

Sa 307 na inihaing mosyon, 204 ang nadesisyunan na ni Solis-Reyes at umaabot naman sa 264 ang isinagawang pagdinig.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply