Mag-amain todas sa helper

KAPWA binawian ng buhay sa magkahiwalay na ospital ang mag-amain matapos barilin ng isang helper sa junk shop, kamakailan sa Sampaloc, Manila.

Unang binawian ng buhay ang biktimang si Rommel Sibal, 32 anyos, may asawa habang inoobserbahan sa Philippine General Hospital, nitong Nobyembre 14 ng dakong 11:00 ng tanghali.

Nobyembre 15 ng dakong 1:00 ng madaling araw, nang bumigay si Russ Speed, 46 anyos, kapwa trabahador sa 2nd hand lumber at parehong residente ng  1208 Antipolo St., Sampaloc, Manila.

Patuloy naman ang pagtugis sa tumakas na suspek na nakilalang si John Ternate, nasa hustong gulang at stay in sa Juvy Junk shop sa panulukan ng Old Antipolo at Dapitan St., sa Sampaloc.

Batay sa ulat ni Det. Benito Cabatbat, na isinumiti  kay P/Sr.Insp. Joselito de Ocampo hepe ng Manila Police District-Crime Against Persons Investigation Section, nasa pagitan ng 6:00 hanggang 7:00 ng gabi, nang maganap ang nasabing pamamaril nitong nakaraang Nobyembre 12, sa panulukan ng Dapitan at Old Antipolo St., sa Sampaloc.

Ayon sa report ng pulisya, magakasama umano ang mag-amain nang makita ang suspek na nagbabaklas ng tanso sa loob ng junk shop. Pinaputukan ng suspek sa tagiliran si Speed at sinundan pa ito ng isang putok sa leeg. Binaril rin si Sibal na tumagos sa leeg.

Mabilis na tumakas ang salarin. Isinugod naman ng ilang tambay ang mga biktima sa pinakamalapit na pagamutan.

Kapwa ito dinala sa UST Hospital, subalit inilipat ng PGH si Sibal, pero pareho din itong binawian ng buhay.

Patuloy ang pagtugis sa salarin para sa ikalulutas ng kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply