Mag-asawang Chinese nat’l pinagbabaril, patay

PATAY ang mag-asawang Chinese national matapos itong pagbabarilin at tangayin ang bag ng hindi pa nakikilalang mga salarin sakay ng motosiklo kaninang umaga sa Tinjeros, Malabon City.

Dead on arrival sa MCU Hospital sina Nin Ting Wong, 70, at ang asawa nitong si Quimzy Kamsoo Wong, 64, may ari ng Hi Zex Plastic Manufacturing at residente ng Quiapo, Manila, sanhi ng mga tinamong mga tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril s ibat ibang parte ng katawan.

Mabilis namang tumakas ang suspek na pawang nakasuot ng helmet at naka kulay itim na jacket at pantalon sakay ng gate away Susuki raider 150cc na hindi na palakahan patungong Govermor Pascual Avenue, Tinejeros.

Ayon sa ulat, dakong alas 6:30 kaninang umaga ng maganap ang insidente sa tapat ng Hi Zex Plastic Manufacturing sa Dizon St., Brgy. Tinajeros, Malabon.

Nabatid kay Sr. Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon police, kababa lamang ng mag-asawa sa kanilang Toyota Revo habang naglalakad papasok ng gate ang mga biktima agad na binaril ng suspek ang mga biktima at saka tinangay ang shoulder bag ni Quimsy at mabilis na pinaharurot ang nag-aabang na gate-away motor.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at sinisilip ang motibong pagnanaka sanhi ng pagtangay ng bag ng mga suspek sa biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply