Mag-BF na pumatay sa model, kinasuhan ng murder

suspek-julie

INIREKOMENDA ng Quezon City Prosecutor’s Office ang pagsasampa ng kasong murder laban sa isang modelo at boyfriend nito na nasa likod ng pamamaslang sa isa pang modelo noong Nov. 6.

Kaninang umaga ay dinala kay Asst. City Prosecutor Alessandro Jurado  sina Althea Altamirano, 23; Fernando Quiambao Jr., 32;  Jaymar,  22 at  Gelen Pasewilan, 28  mula sa kanilang kulungan sa Camp Karingal  para sa inquest.

Nahaharap sa kasong murder sina Altamirano at Quiambao habang ang mga nakatakas pang sina Waradje at isa pang suspek na si  Efren Talib ay inirekomenda  ng further investigation.

Nabatid na si Waradje na may kinalaman sa krimen ay nagpaabot ng kahandaang tumestigo laban kina Altamirano at Quiambao.

Agad ding isinalang sa preliminary investigation  si Waradje matapos i-inquest, habang si Gelen Pasewilan na kasama noon ni  Waradje  nang maaresto sa  Barangay Culiat ay sinampahan lamang ng kasong illegal possession of a firearm matapos mahulihan ng baril.

Pumayag naman ang pamilya Rodelas sa planong pagtestigo ni Waradje  sa kaso.

Isinabit ni Quiambao  si  Waradje  sa pagdukot  kay Julie Anne Rodelas  kung sinabi ng huli na malinis ang kanyang konsiyensiya at nakahanda siyang maging state witness sa kaso.

Ani Waradje, hindi niya aktuwal na nakitang ginahasa si Rodelas  pero ang labis niyang ipinagtaka ay kung bakit dinala pa sa isang safehouse si Rodelas.

Matatandaang si Rodelas,  20 anyos na part-time model ay itinulak umano palabas ng Mitsubishi Montero (TWO-505) bago pinagbabaril sa  18th Avenue, Cubao  noong  Nov. 6 bandang alas  5:30 ng umaga.

Si Rodelas ay dinukot bandang alas 12:30 ng tanghali sa  World Trade Center, Pasay City at ang ginamit na sasakyan ay pag-aari ng nanay ni Quiambao.

Ayon naman kay Altamirano gusto lamang niyang turuan ng  leksiyon ang biktima dahil sa pagkakalat ng tsismis na mayron siyang dalawang anak na labis nakaapekto sa kanyang career.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply