Mag-ina sugatan sa stray bullets

PAWANG mga nagtamo ng tama ng ligaw na bala sa katawan ang isang mag-ina habang natutulog sa loob ng kanilang bahay sa Port Area, Maynila kagabi.

Kinilala ang mga sugatang biktima na sina Maureen Nasa, 37, at anak nitong si Ralf, 7, kapwa residente ng Block 9 Extn., Baseco compound, Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District (MPD) Station 5 (Ermita) dakong 11:000 ng gabi nang naganap ang insidente sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid na mahimbing na natutulog ang mag-ina nang tamaan ng stray bullets ng di nakilalang suspek na nagpaputok ng baril sa kanilang lugar.

Inoobserbahan sa pagamutan ang mag-ina habang inaalam pa ng pulisya kung sino ang walang habas na nagpaputok ng baril sa nasabing lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply