Mag-inang tulak, arestado sa buy-bust

prosti-bars

ARESTADO sa isinagawang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ang mag-ina matapos maaktuhang nagbebenta ng shabu kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Kinilala ni Pasay city police chief Sr. Supt. Rodolfo Llorca ang mga suspect na sina Carmelita Roa, 46, at anak na si Catherine, 25, kapwa residente ng 1845 Guiolay St., Brgy 4 na nadakip dakong alas-3 ng hapon.

Napag alaman na dalawang linggong nagsagawa ng surveillance operation ang mga tauhan ni Chief Insp. Rolando Bausa sa mag-ina hanggang magawang makipag-transaksiyon ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa mismong bahay ng mga suspect.

Ayon kay Bausa, nasa aktong tinatanggap ni Carmelita ang markadong salapi kapalit ng isang sachet ng shabu nang dakmain sila ng mga naka-poste ng operatiba ng SAID-SOTG.

Batay sa record ng pulisya, nasangkot na rin si Carmelita sa ipinagbabawal na droga matapos mahuling nagbebenta ng shabu sa mga kabataan at ilang drug addicts na palagiang nag-iinuman pa sa mga lansangan.

Bukod sa ibinentang sachet ng shabu, nakumpiska pa ng pulisya sa mag-ina ang anim pang sachet ng shabu na nagkakahalaga ng kabuuang P10,000.

Kasong paglabag sa section 5 at section 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang isinampa ng pulisya sa mag-ina sa Pasay City Prosecutors Office.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply