Mag-utol, 1 pa todas sa QC fire

sunog-sa-qc-2

NATUSTA nang buhay ang tatlong bata na ang dalawa ay magkapatid makaraang lamunin ng apoy ang isang residential area sa Quezon City bago maghatinggabi nitong Biyernes (Nobyembre 23), dahil sa naiwang nakasinding kandila.

Matapos ang ikinasang clearing operations, natagpuan ang bangkay ng magkapatid na sina Dancel Mercado, 4-anyos at si Daniela, 7-anyos magkayakap sa loob ng kanilang bahay sa Vincent St., Barangay Holy Spirit dakong alas 3 ng madaling araw.

Ang labi naman ng isa pang biktima na si CJ Tubo, 9-anyos na iniulat na nawawala ay kaninang umaga lamang natagpuan.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), naganap ang insidente dakong alas-11:45 nitong Biyernes ng gabi sa isang residential area na nasa Vincent Sreet sa tapat ng Sandiganbayan.

Sa pagsisiyasat, bago ang insidente ay lumabas ng bahay ang tatay ng magkapatid na si Danilo, 31-anyos para bumili ng pagkain sa isang karinderya na ilan metro din ang layo sa kanilang bahay.

Iniwan nito ang kanyang dalawang anak na sina Dancel at Daniela at iniwan din ang nakasinding kandila sa kanilang bahay na nabatid na naputulan ng suplay ng kuryente.

Pero pagbalik ni Danilo, nilalamon na ng apoy ang kanilang bahay at wala na itong nagawa pa para sagipin ang kanyang mga anak.

Kwento naman ng mga kaanak ng biktima, nakalabas na sa bahay si CJ ngunit bumalik pa ito matapos hindi makita sa labas ang kanyang ama.

Aabot sa 50 kabahayan na pawang gawa sa light materials ang natupok ng sunog at tinatayang hindi bababa sa P1 milyon halaga ng ari-arian ang naabo.

Mahigit 150 pamilya ang nawalan ng tirahan matapos ang sunog.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply