Magdyowa huling nagse-sex sa sementeryo

Tacurong City, Sultan Kudarat –  Sa una ay nagmukhang rapist ang labas ng isang lalaki nang pagbintangan ng kanyang nobya ng panggagahasa makaraang makita silang nagtatalik ng mga pulis sa isang sementeryo.

Nabatid na naaktuhan ng Makar-PNP ang magkasintahan na kapwa itinago ang mga pangalan habang nagtatalik ilang metro ang layo mula sa Forest Lake Cemetery sa Apopong, General Santos.

Ngunit nang magkaaberya ay pinalabas ng babae na ginahasa siya ng lalaki na agad din namang nagpakita ng kawalan ng interes na kasuhan ang lalaki pagdating nila sa presinto.

Samantala, iginiit naman ng lalaki na kanyang girlfriend ang babae at nagtaka siya sa bintang nito.

Ang suspek ay pinalaya na rin matapos hindi na magpakita ang babae.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply