Magic hiniya ng Knicks

MALINIS pa rin ang karta ng New York Knicks matapos nilang alisan ng mahika ang Orlando Magic, 99-89 sa nagaganap na 2012-13 National Basketball Association, (NBA) regular season kanina.

Umariba si Knicks star player Carmelo Anthony ng 25 puntos at walong rebounds upang hiyain ang Magic sa mismo nilang lugar sa Amway Center.

Lumaban ng sabayan ang dehadong Magic sa Knicks at nakalamang ang una sa huli sa first half, 53-49.

Inagapan naman ng New York ang masamang balak ng Magic na makasilat kaya nakuha ng Knicks ang abante sa pagtatapos ng third period, 77-76.

Bumakas sina Knick starter Raymond Felton at bench player J.R. Smith ng tig 21 points upang ilista ang 5-0 win-loss record ng New York.

Sa Magic, bukod sa starters nila dalawang player na galing sa bench ang naka double-digits subalit hindi pa rin sapat upang madagdagan ang dalawang panalo nila sa pitong laro.

Si J.J. Redick ang top scorer para sa Magic na may tinikadang 18 points, 13 ang kinamada ni Aaron Affalalo, tig-12 puntos sina E’ Twaun Moore at Nikula Vucevic habang 10 ang inambag ni Glen Davis.

Ang dalawang bench players ng Magic na sina Andrew Nicholson at Maurice Harkless ay may 11 at 10 pts. Ayon sa pagkakasunod.

Samantala, sa ibang NBA resulta, tinambakan ng Charlotte Bobcats ang Washington Wizards, 92-76 habang kinaldag ng Brooklyn Nets ang Cleveland Cavaliers, 114-101.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply