Magkano talaga?

sibol5

MAGKANO nga ba talaga ang ginagastos ng isang tumatakbo para sa isang pwesto sa pulitika?

Ayon sa batas, ang tumatakbo sa pagka-Pangulo ay dapat gumastos lang ng sampung (P10) piso para sa bawat isang botante at ang mga kandidato para sa iba pang pwesto ay hanggang limang piso (P5) lang ang budget bawat isang botante.

Marami ang hindi nanini-wala na nasusunod ang batas na ito.

Ayon sa COMELEC, higit na 50M  botante  ang nakarehistro para sa eleksyon sa 2013.

Halimbawa ang isang kandidato sa isang distrito na may 1 milyong botante ay dapat gumasta lang ng hindi hihigit sa P5M at ang isang Senador na iboboto ng buong bansa ay hindi dapat gagasta ng higit sa P250M.

Pero paano nga ba namo-monitor ito ng COMELEC, paano ang check and balance system nila para masiguro na hindi nalalabag ang batas?

Ang punto lang natin dito ay kung paanong ang paglabag sa batas ng COMELEC ukol sa gastusin ng mga kandidato tuwing halalan ang nagiging dahilan kung bakit hindi natin maabot-abot, bilang isang bansa, ang pangarap nating clean and honest election.

Naniniwala ako na maraming kandidato ang gumagasta lang ng ayon sa batas pero meron ding lumalabag dito dahil sa dami ng pera nila. At kadalasan na manipestasyon ng paglabag sa batas na ito ang pagyurak naman nila sa gusto ng tao, ang pagyapak sa karapatan natin na magkaroon ng karapat-dapat na liderato sa pamamagitan ng malinis na halalan.

Nang ipangako ng COMELEC na mahigpit nilang ipatutupad ang “campaign financial rules” lalo sa halalang 2013, sana ay naisip nila na mas maging mahigpit sa kung paano dapat ay nare-report ang tunay na gastos ng mga politiko.

Dahil mahalaga na matigil na ang mga iligal na gastos na yumuyurak sa gusto ng mga botanteng Filipino.

Tulad halimbawa ng gastos sa vote-buying at black propaganda at gastos sa guns and goons for hire na nagsasamantala sa ka-hirapan ng karamihan ay mahihirap na mga botante.

Mag-email po kayo sa akin ng inyong opinyon tungkol sa isyung ito sa ariel.inton@gmail.com

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply