Magkasintahan tinambangan sa Zambo City

emergency-2

POSIBLENG matinding paninibugho ang motibo sa pamamaril sa magkasintahan paglabas ng motel, ng hindi kilalang lalaki sa Zamboanga
City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Christian Ramirez, 21 at ang nobya nitong si Fatima Shano Mano, 21, nursing student ng isang
religious school ng lungsod na kapwa nasa malubhang kalagayan nang pagbabarilin sa Brgy Canelar, Zamboanga City.

Nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang binata habang isang bala ang tumama sa tiyan ng dalagang estudyante.

Batay sa imbestigasyon ng mga awtoridad, palabas na ang magkasintahan sa isang motel sakay ng tricycle nang tambangan ng riding-in-tandem gunman.

Tumalon ang tricycle driver sa takot at nakatakbo papunta sa loob ng motel kaya hindi nito namukhaan ang dalawang suspek.

Sinabi ni P/Insp. Arlan Delumpines na nasa malubhang kondisyon ang binata dahil sa apat na mga grabeng tama ng bala sa katawan at
naka-confine ngayon sa isang pampublikong ospital.

Nasa isang pribadong ospital naman ang kasintahan nito na ligtas na rin sa kapahamakan matapos naging matagumpay ang ginawang operasyon dito.

Ayon kay Delumpines, mayroon na silang nakikitang suspek sa pamamaril subalit ayaw pa niya itong pangalanan dahil patuloy pa ang imbestigasyon.

Maaari umanong target lamang talaga ng salarin ay ang binata at nadamay lamang ang girlfriend nito.

Napag-alaman din na tutol ang mga magulang ng babae sa relasyon ng magkasintahan na isa rin sa mga tinitingnang anggulo ngayon ng
pulisya.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply