Magnitude 6.1 na lindol yumanig sa Chile

NILINDOL ng magnitude 6.1 ang ilang bahagi ng Chile bandang 5:30 ng madaling araw (Manila time, pasado alas-sais ng gabi doon).

Ayon sa US Geological Survey (USGS), naitala ang sentro ng lindol sa layong 54 kilometro timog-kanluran ng San Antonio, Chile.

Bago ito, bandang alas-3:00 ng hapon (bandang 2:00 ng madaling araw sa Maynila) ay niyanig ang naturang lugar ng magnitude 5.1 na lindol.

Inaalam pa kung may pinsala ang magkasunod na pagyanig.

Wala pang iniulat na may inaasahang aftershocks.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply