Magpapairal ng ‘no exchange, no return’ policy binalaan

no-return

IPINALIWANAG ng pamunuan ng Department of Trade and Industry (DTI) na hindi pinahihintulutan sa ilalim ng Consumer Act of the Philippines ang pagpapatupad ng “no return no exchange policy” sa lahat ng tindahan kahit na gift checks ang ibinayad ng mamimili.

Nabatid kay DTI Undersecretary Zenaida Maglaya, sakop ng umiiral na batas ang pagpapataw ng kaukulang multa laban sa mga may-ari ng tindahan na magpapatupad ng no return no exchange policy kapag ang ibinayad sa kanila ay gift checks, gift certificates o gift cards.

Naglabas ng paglilinaw ang DTI makaraang dumagsa ang reklamo  laban sa ilang mga tindahan at shopping malls na hindi kumikilala sa karapatan ng mga consumer na nais palitan o isauli ang biniling produkto kapag ang ibinayad sa kanila ay gift certificates o gift checks.

Sinabi ni Maglaya na tiyak na maraming mga mamimili ngayong nalalapit ang panahon ng Kapaskuhan ang gagamit ng gift certificates sa kanilang pamimili kaya nararapat lamang na maintindihan o malaman nila ang kanilang karapatan bilang consumer.

Hinimok niya ang mga mamimili na maghain ng reklamo sa kanilang tanggapan kahit sa pamamagitan ng pagtawag sa kanilang hotline 751-3330  sa oras na hindi tanggapin ng pinagbilhang tindahan na palitan ang kanilang depektibo o hindi tugma na biniling produkto dahil lamang sa gift certificates ang kanilang ginamit.

Nauna rito ay naglabas ng Department Administrative Order ang DTI kaugnay sa pag-aalis ng expiry date sa lahat ng gift certificates, gift checks at gift cards na ipinamamahagi ng mga supplier sa bawat indibiduwal na katumbas na rin ng halaga ng salapi.

Gayunman, hindi sakop ng kautusan ang gift certificates o gift checks na bahagi lamang ng promotional program, loyalty o awards.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply