Magsasaka huli sa pagtutulak ng shabu

tiklo

DAHIL sa mahinang kinikita sa pagsasaka, minalas na mahuli ang isang 31 anyos na magsasaka nang sumide line ito sa pagtutulak ng shabu at bentahan ng may 2.5 na gramo ng shabu ang isang poseur buyer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang buy-bust operation sa Polomolok, South Cotabato on November 20, 2012.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Jose Jumamoy, binata ng  Klinan 6, Polomolok, South Cotabato.

Si Jumamoy ay inaresto ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 12 (PDEA RO12) sa pamumuno ni  Director Aileen Lovitos kasunid ng isinagawang buy-bust operation sa Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato matapos nitong bentahan  ng  plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P20,000 ang poseur-buyer ng PDEA.

Nakumpiska rin  kay Jumamoy ang dalawang piraso ng tig 500. Marked money at 19  na piraso ng  1000.-peso boodle money  na ginamit sa transaksiyon .

Dahil dito, si Jumamoy ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Article II ng  Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply