Magsasaka ng Hacienda Luisita, nangalampag sa M’cañang

NANGALAMPAG sa pamahalaan ang may 100 magsasaka ng Hacienda Luisita mula sa Times Street sa Quezon City hanggang sa Mendiola bilang paggunita sa tinaguriang Hacienda Luisita Massacre noong November 16, 2004.

Pinangunahan ng Alyansa ng mga Manggagawang Bukid sa Asyenda Luisita o AMBALA ang protesta para hilingin sa Malakanyang na kumilos at mabigyan ng katarungan ang pito nilang kasamahan na binansagang “Seven Luisita Martyrs” na namatay sa marahas na pagbuwag sa rali ng mga magsasaka ng Hacienda Luisita walong taon na ang nakararaan.

Giit ng grupo, dapat mapanagot ang mga may kagagawan sa pagkamatay ng kanilang mga kasamahan na kanilang isinisisi sa dating administrasyon at sa militar.

Mula naman sa Mendiola, plano ng grupo na magsagawa ng caravan patungo sa Hacienda Luisita sa Tarlac para naman maghanda sa mas malaking protesta na kanilang ikakasa sa harap ng Central Azucarera de Tarlac bukas.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply