Magsasaka patay sa pagsabog ng granada

TACURONG CITY, Sultan Kudarat – Patay on the spot ang isang magsasaka matapos hinagisan ng granada ang kanyang bahay sa Barangay Sinapulan, Columbio, Sultan Kudarat.

Ang biktima ay nakilala sa pangalang Tuansi Payot Dilangalen, 60-anyos, magsasaka at residente ng naturang lugar makaraang sumabog ang granada na hinagis sa nakabukas na bintana ng kanilang bahay.

Samantala, si Kumis Bantilan ang tinuturong responsable sa paghagis ng granada sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Remate kay Sultan Kudarat Police Provincial Director S/Supt. Rolen Balquin, kanyang sinabi na away sa lupa ang motibo ng krimen na matagal na diumanong hindi pagka-intindihan ang biktima at pamilya ng suspek.

Dagdag pa rito, ayon kay PS SUPT.Rolen Dela Cruz Balquin-PESE, ipinag-utos niya sa hepe ng Columbio Municipal Police Station ang agarang munhunt operation sa lugar na pinagtataguan ni Bantilan upang sa ganun itoy pananagutin sa batas.

Napag-alaman na ito na ang ikatlong insidente ng grenade throwing sa lalawigan ng Sultan Kudarat mula noong nakaraang linggo kung saan pinasabugan ang isang commercial establishment sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat at tirahan ni Mayor Emilio Salamanca ng President Quirino na nakatira sa lungsod ng Tacurong City.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply