Magsasaka tinaga ng ‘war freak’ na kainuman, todas

PINUKPOK muna ng bote sa ulo bago pinagtataga ang isang magsasaka ng kanyang kainuman sa Isabela province kaninang madaling araw.

Dead on the spot sanhi ng tinamong taga sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Fernando Suratus, 54-anyos, walang permanenteng tirahan.

Nakakulong na sa Caauyan City Police Office at sasampahan ng kasong murder ang suspect na si Peter Wayaway, 44-anyos.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas 12:35 ng madaling araw sa tapat ng bahay ng biktima.

Ayon sa nakasaksi, bago ang insidente ay nag-iinuman ang magkaibigan nang sa hindi pa malamang dahilan ay biglang nagtalo na humantong sa pamamalo ni Wayaway ng bote sa ulo ni Suratus.

Hindi pa nakontento, pinagtataga pa ni Wayaway ang kanyang kainuman hanggang sa mamatay.

Rumesponde naman ang ilan sa mga kapitbahay ng magkaibigan pero huli na ang lahat.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaslang sa biktima.

Ibinuko naman ng mga residente na si Wayaway ay lagi na lang nagwawala kapag nakakainom.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply