Magtanim muna ng puno bago ang business permit

tree-planting

KUNG ang dalawang Quezon City councilors lamang ang masusunod,  uutusan nilang magtanim muna ng puno ang mga negosyante sa tabi ng kanilang establisimyento bago mai-renew o makuha ang kanilang business permits.

Base sa proposed ordinance na pinangunahan nina Councilors Gian Carlo Sotto at Allan Benedict Reyes ng ikatlong distrito ng lunsod, may kontribusyon din ang negosyo sa paglaban sa global warming at palakasin ang  ecological conservation at taniman ang lunsod ng mga punongkahoy.

“The signs of global warming are becoming more evident as shown by extreme weather conditions that we have been experiencing like sudden heavy rains and [a] scorching rise in temperature. Hence, as a way of being proactive in establishing policies in making a livable environment for present and future generations, there is an imperative need to require massive tree planting in the community level,” pahayag nina Sotto at Reyes.

Sa ilalim ng proposed ordinance, ang lahat ng may-ari ng business establishments sa Quezon City ay aatasan na magtanim ng puno sa construction sites para sa bagong istraktura o sa lugar na malapit sa kanilang  opisina na ang bilang seedlings ay base sa lugar na inookupa nito.

Maalalang kamakailan lamang ay ipinatupad naman ni QC Mayor Herbert Bautista, ang no closed circuit television (CCTV) no permit din sa mga pangunahing businesss establishment para ikasa kontra krimen sa lunsod.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply