Maguindanao binaha, 1 na patay

maguindanao-flood

ISA na ang patay habang libong residente na ang apektado ng  malawakang pagbaha sa maraming barangay sa Sultan Kudarat, Maguindanao dahil sa dalawang araw na  pag-ulan.

Kinikilala pa sa ngayon ang biktima na sa isang matanda na sinasabing inatake sa puso nang pasukin ng tubig-baha ang kanyang bahay.

Umaabot sa 20 mga bahay ang nasira at inanod ng malakas na baha.

Libong residente naman na nakatira sa low lying barangays sa Sultan Kudarat ang naapektuhan ng pagbaha nang umapaw ang tubig sa Simuay River.

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply