Maguindanao massacre usad-pagong – Mangudadatu

maguindanao-massacre

HABANG paparating na ang ikatlong taon sa paggunita ng Maguindanao massacre sa November 23, inamin ni Maguindanao Gov. Esmael Mangudadatu na nababagalan siya sa itinatakbo ng pagdinig ng Maguindanao massacre.

Sinabi ni Mangudadatu na kailang magdoble kayod ang pulisya sa pagtugis sa 92 iba pang suspek sa kaso.

Dismayado rin umano siya sa pasya ng korte Suprema na hindi na ituloy ang live media coverage sa pagdinig.

Kaugnay nito, pangungunahan naman ng National Press Club (NPC) ang isang malaking kilos-protesta patungong Korte Suprema at Don Chino Roces (Mendiola) Bridge sa darating na Biyernes, Nobyembre 23, ikatlong anibersaryo ng karumal-dumal na masaker.

Tatlumpo at dalawa naman sa 58 biktima sa masaker noong Nobyembre 23, 2009 sa Maguindanao, ay mga kasapi ng media at ilan sa mga ito ay miyembro ng NPC.

Lalahok sa pagkilos ang Bagong Alyansang Makabayan (Bayan-NCR), Burgos Media Center, UNTV at iba pang mga “cause-oriented groups” sa Kalakhang Maynila.

“Nanawagan ako sa lahat mamamahayag at mga kapwa-Pilipino na aktibong lumahok sa mga programang ito ng NPC upang ipabatid sa mundo na tatlong taon pagkatapos ng masaker ay patuloy pa rin tayong lumalaban para mabigyang hustisya ang mga biktima,” ayon kay Benny Antiporda, NPC President.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply