Maguindanao massacre victims, ginugunita ng pamilya

SABAY na ginugunita ng mga pamilya ng Maguindanao massacre ang pagkamatay ng mga biktima ngayong All Saint’s Day.

Kasabay nito, umaapela ang mga kaanak at kaibigan ng mga biktima ng Maguindanao massacre na gamitin pa rin ang araw ng mga patay para alalahanin at makamit ang hustisya sa nangyaring pamamaslang sa 58 indibidwal, kasama na ang mahigit 30 miyembro ng media noong 2009.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, dapat manatiling mainit ang isyung ito kahit tatlong taon na halos ang nakararaan upang matiyak na hindi mauuwi sa listahan ng mga nakalimutang kaso ang brutal na pamamaslang sa Sitio Masalay, Brgy. Salman, Ampatuan, Maguindanao.

Ngayong araw, walang mga programang itinakda ang grupo ng mga human rights advocate na katuwang ng mga kaanak ng massacre victims.

Layunin umano nitong mabigyan ng pagkakataon ang bawat pamilya na alalahanin nila sa kanilang sariling paraan ang mga pumanaw na mahal sa buhay, habang may serye naman ng iba’t-ibang programa sa Nobyembre 23, 2012, mula sa massacre site hanggang sa Metro Manila.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply