Maguindanao massacre victims nagparamdam

NAGSIMULA nang magparamdam isang araw bago ang paggunita ng Undas ang mga kaluluwa sa massacre site sa Sitio Masalay barangay Salman, sa bayan ng Ampatuan Maguindanao.

Ayon sa caretaker ng massacre site,  nakaririnig siya ng iyak ng babae at lalaki na dumadaing at humihingi ng tulong.

Malapit lamang ang bahay ng caretaker sa lugar na pinatay at inilibing ang 54 kataong biktima ng Maguindanao massacre noong Nov 23, 2009.

Batay pa sa  kuwento, habang sila ay natutulog kasama ang kanyang pamilya ay nakaririnig sila ng iyak at minsan ay may naririnig silang naglalakad sa massacre site sa gabi.

Sinabi naman ni Pandag Mayor Datu Zajid Mangudadatu, nakakabatang kapatid ni Governor Esmael Toto Mangudadatu na ngayong araw sila magtutungo sa lugar para dumalaw sa mga kaanak na kabilang sa namatay sa Maguindanao massacre kasabay ng kahilingan na sana’y makamtan na ang
hustisya sa sinapit ng 54 kataong biktima ng karumal-dumal na Maguindanao massacre.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply