Maid na magnanakaw huli sa entrapment

TATLONG araw pa lang naninilbihan ang isang kasambahay ay nagawa na nitong pagnakawan ang kanyang amo bago naglaho sa Caloocan City.

Nakilala ang suspek na si Anabelle Tibalao, 32 ng Barrio Visaya, Alabang, Muntinlupa.

Sa pahayag ng biktima na si Eliza Correa, nitong buwan ng Nobyembre ay may nagrekomenda sa kanya sa suspek upang maging kasambahay na tinanggap naman.

Nobyembre 7, 2012, ay biglang naglaho ang suspek at kasabay ng pagkawala nito ay naglaho rin ang ilang mga gamit at cash na P600,000 ng biktima.

Nakuhanan sa closed circuit television (CCTV) camera ang katulong na ilang beses naglabas ng bag na may mga laman sa bahay ng biktima.

Nagkasa ng entrapment operation ang mga pulis kung saan gumamit ng ibang numero ng cellphone ang biktima at kinontak ang suspek at sinasabing may naghahanap ng kasambahay.

Pumayag naman makipagkita ang suspek sa Star Mall sa Alabang, Muntinlupa dakong alas-8:00 kagabi at laking gulat ng una nang malaman na ang biktima ang kanyang kausap.

Hindi na pumalag ang suspek nang dakpin ng mga pulis at dalhin sa presinto subalit wala na ang perang sinasabing ninakaw ni Tibalao.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply