Mailap ang hustisya

_bong padua

TATLONG taon na ang nakalilipas pero, tila, walang naaninag na hustisya para sa 58 katao – ilan sa kanila’y taga-media, na biktima ng Maguindanao massacre.

Masakit para sa mga kamag-anak na balik-balikan ang karumal-dumal na pagkatay sa mga massacre victim, pero kailangan para umusad ang kaso.

Kaya nga kaisa tayo sa mga kapatid natin sa hanapbuhay at mga kamag-anak ng mga nasawi sa pangangalampag para kumilos ang mga kinauukulan.

Noong Nobyembre 23, ang ika-tatlong taon ng masaklap na pangyayari ay sinabayan ng protesta ng media sa pangunguna ni NPC Pres. Benny Antiporda.

Ang mga kamag-anak ng mga biktima ay nagsagawa rin ng protesta at nanawagan kay Pangulong Aquino para sa dagliang resolution ng kaso.

Sadya nga na mailap ang hustisya sa mga nagiging biktima ng krimen, klasikong halimbawa ay ang pamosong Maguindanao massacre.

Maaliwalas pa sa liwanag ng tanghaling tapat na init ng araw ang massacre incident na ito sa mga biktima pero ayaw umusad and hustisya. Ano nga ba ang dahilan at bakit tumatagal ang kaso? Iyan ang tanong na ‘di maalis-alis at kumukutkot ngayon  sa isipan ng sambayanan.

Sa ganang atin, kailangang umentra na si PNoy para matapos na ang kaso, magdusa ang mga nasa likod nito nang sa ganon ay humupa na rin ang bangungot  na kumikilkil sa mga namatayan sa mga malaking krimen na ito.

HAMON KAY SILG ROXAS

Well-organized ang operasyon ng lahat ng iligal sa hurisdiksiyon ni R-4A Director C/Supt. James Melad, iyan ang dapat malaman ni Sec. Mar Roxas.

Ang ulat sa atin,  mataas ang crime rate sa rehiyon na ito dahil ang inaatupag ng mga tao ni Melad ay mangunsinti ng sugal, paihi at iba pa.

Sa buong rehiyon, hindi ma-bilang sa rami ang paihi at buriki na ang ninanakaw ay petroleum products, semento at iba pang produkto.

Kung sugal naman ang pag-uusapan, hindi pahuhuli ang R-4A  dahil lantaran ang operasyon ng STL con-jueteng, video karera, atbp.

Diyan na lamang sa EL Paso cockpit sa Nasugbu, isang saklaan ang dinarayo ng mga sugarol para maglaro. Pag-aari raw ito nina Willy at Jerome.

Si Willy ay operator din ng lotteng sa Nasugbu.

Kung may delikadesa sina Melad at Nasugbu police chief C/Insp. Renato Mercado, aba’y dapat ay magbitiw na kayo sa puwesto.

Dahil ‘di ang tulad n’yo ang mga opisyal na hinahanap ni Sec. Roxas sa kanyang liderato.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply